fig
0 Followers
jonaxx
Share Profile:
About
Posts
Followers (0)
-

 

Published stories of jonaxx
Author of:

Gusto ni Rosie ng bagong simula. Matapos ang hiwalayan nila ni Callix, ang nag-iisang lalaking minahal niya nang lubusan, tila pinaglaruan pa siya ng kapalaran nang kinailangang lumipat ng buong pamilya niya sa Alegria, isang simple at tahimik na probinsya na malayong-malayo sa siyudad na nakagisnan na niya. Nang makarating na sila sa Alegria, ang bumalik sa Maynila ang unang-unang gustong gawin ni Rosie— hanggang sa makilala niya si Jacob Buenaventura. Sa tingin ni Rosie, simpleng magsasaka si Jacob. Kahit pa nahuhumaling siya sa sparkling abs at sa napakagwapong mukha niya, alam ni Rosie na hindi posibleng maging sila. Natatakot siyang sumugal ulit sa pag-ibig pero hindi naman siguro masama kung susubok siya kahit isang beses pa? Dahil…baka sakali… Baka sakali…

Read More

Sa bagong kabanata ng buhay nina Roseanne Aranjuez at Jacob Buenaventura, magpapatuloy ang pag-iibigang tila pinatibay na ng pagsubok at hirap at finally mawawala na ang walang humpay na pagbabakasakali. Lingid sa kanilang kaalaman, susubukin pa ulit ng tadhana ang relasyon nila at mapipilitan silang malayo sa isa’t isa. Gaano ba talaga katibay ang pag-iibigan nila at kakayanin ba nilang harapin ang mga susunod na pagsubok? Pipilitin nilang hamakin ang temptasyon, hirap, galit, pangamba, at pag-aalinlangan upang malagpasan ang lahat ng pagsubok dahil…baka sakali… Baka sakali…

Read More

Gusto ni Rosie ng bagong simula. Matapos ang hiwalayan nila ni Callix, ang nag-iisang lalaking minahal niya nang lubusan, tila pinaglaruan pa siya ng kapalaran nang kinailangang lumipat ng buong pamilya niya sa Alegria, isang simple at tahimik na probinsya na malayong-malayo sa siyudad na nakagisnan na niya. Nang makarating na sila sa Alegria, ang bumalik sa Maynila ang unang-unang gustong gawin ni Rosie— hanggang sa makilala niya si Jacob Buenaventura. Sa tingin ni Rosie, simpleng magsasaka si Jacob. Kahit pa nahuhumaling siya sa sparkling abs at sa napakagwapong mukha niya, alam ni Rosie na hindi posibleng maging sila. Natatakot siyang sumugal ulit sa pag-ibig pero hindi naman siguro masama kung susubok siya kahit isang beses pa? Dahil…baka sakali… Baka sakali…

Read More

Ako si Sunshine Aragon. Pinalayas ako ng bahay ng aking Auntie at ng kanyang anak nang mamatay si Mama. Buong buhay ko puro hirap at pasakit lang ang naranasan ko. Wala akong natapos sa pag-aaral. Wala rin akong experience sa trabaho. Mahirap maghanap ng trabaho kaya kahit anong klaseng trabaho kukunin ko. Kahit pa maging cigarette girl sa mga bar sa gabi at janitress para sa malupit na boss —si Rage del Fierro. Misteryoso si Rage, pero napakagwapo niya. ’Di ko alam kung ano ang nakita niya sa akin nang mapagdesisyunan niyang i-hire ako kahit kitang-kita ng lahat na ayaw na ayaw niya sa akin. Magsisimula na ang bagong kabanata ng buhay ko. Sana mapaamo ko ang beast. Sana mapaamo ko si Rage del Fierro.

Read More

Hindi alam ni Reina Carmela Elizalde kung bakit mainit ang dugo sa kanya ni Wade, ang drop-dead gorgeous at bagong vocalist ng banda ng kuya niya. Wala naman siyang maalalang ginawang masama dito at hindi naman sila madalas nagkakausap. She decides to treat his attitude towards her as a challenge. Gagawin niya ang lahat para mabago ang pakikitungo nito sa kanya. When she gets the chance to be close to Wade, Reina abandons her fears and loves him wholeheartedly. Ngunit paano kung ilusyon lang pala ang lahat nang pinadarama ni Wade sa kanya? Paano kung ang tanging napansin lang ni Wade sa kanya ay ang apelyidong tinitingala dahil sa karangyaan? Should she still fight for him, or forget all about him?

Read More
Create an account to Log-in
Log in Using Facebook
Log in Using Google
Email Address
Password
Sign up
Back to Top
Close