fig
Tell Me Where It Hurts
Share Profile:
Published Taglish New Adult

Ang mundo ni Ara Angeles ay umiikot lamang sa Cuenca, Batangas, at buong buhay niya ay nagtatrabaho siya nang maigi para mabigyan ang sarili at ang pamilya niya ng pagkakataong magkaroon ng mas maginhawang buhay. Nagbago ang lahat nang makilala niya si Aivan Vinn Montemayor na nagmula sa ibang antas ng buhay. Mayaman si Aivan. Mahirap si Ara. Magkaiba sila ng mundo at ang pagkakaibang ito ay pilit at paulit-ulit silang paghihiwalayin. Pero nagbago na ang mundo ni Aivan nang makilala niya si Ara at hindi niya hahayaang mawala ito sa buhay niya kahit ilang beses pa sila saktan ng tadhana.